Twitter with The Movie bLogger

Audition in Theater Arts (Tanghalang Batingaw)

Biyernes ang Audition ko para sa Batingaw. Alas dos ng hapon na sa school na ako para hintayin ko ang ang kaklase ko na si Dianne. Kaming dalwa lang ang naglakas ng loob para sumali don. Na late siya kaya pumila na ako para mgparegister. Maya maya naisipan ko muna pumuntang chapel para magnilay-nilay. Pagkataposko magdasal nagtungo na ako mismo sa sa lugar ng pag aauditon. May lumapit sa akin na lalaki(E.K ang name) para magtanong kung sasali daw ako. Naisip ko na isa siya sa mga taong nangangahas na mapabilang sa sikat na org na yon. Siya ay isang semenarista noon at ngayon ay isa nang estudyante(Apir tayo jan pare!). Nakumbinsi niya ako na mauna na para may kasabay daw siya. Pumasok na kami at nagsimula nang manginig ang aking katawan ngunit hindi naman ako kinakabahan dahil alam ko na kaya ko yun. Interview ang unang step. Tinanong kung ano daw ang hilig ko sabi ko naman madami. Mabait ang naginterview sa akin. At sa wakas ay dumating na ang late ko na kaklse, bumili daw siya ng shoes kaya siya natagalan. Si Diane nga pala ay isang msayahin na tao at siyempre maganda. Bumibilis na ang oras malapit na ang parte na magigigng David Garcia ang lolo mo!!hahaha. Pinapasok na kmi para sa masusing Talaktakan. Umpisa sa Script Writing-----Design-------Back Stage------Teknikal------
Okey naman siya nakakuha kmi ng good reviews. Pagkayari ng mga iyon eto na ang pinakamahirap(3rd sa pinkamahirap) ang pag ARTE!!! Tatlo kami tinwag bingyn kami ng situation. Kunyare gf ko daw si girl(Diane) at may ibang bf (E.K.)si girl. Lights camera action!

(Na sa Mall magka akbay si (Charles) at (Diana) dadating si (E.K.)
Diane: ang ganda noh Honey(pasweet ang dating)

Charles: oo nga Honey

E.K: Sino yan??(pa galit) (sabay MALAKAS NA TULAKKKK KABOOGGG)

Charles: Gago ka pala eh!!!!!!(Masakit ang tulak niya sa akin..talgang tinotoo)(MALAKAS3x na tulak KABOOGGG)

Director: CUT!

One by one acting naman!!!(Ito ang gusto ko!!haha.Pina act kami isa isa. Ang situation sa akin: Kunyari iniwanan ka ng girlfriend (BATINGAW MEMBER) mo pano mo gagawin ang acting na iyon.\

Girl: Ayoko na niloloko mo lang ako, tapos na tayo.(pagalit kunwari)

Charlie: Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka na. (umiiyak)(nagmamakaawa)

Girl: Tigilan mo ako, siguradong uulit ka nnmn

Charlie: Wala na akong iibigin pa kung di ikaw lamang, at kung mawawala ka, nais ko ay mamatay na!!(ginaya ko ung sa Maging Sino ka man John Loid style lol.)

Girl: Wala na ang pagmamahal ko nabalutan na ng poot at galit!!!

Charlie: (luhod sabay LUHA)

Girl: Paalis na

Charlie: Nagmamakaawa ako...

Director: CUTTTTTTTTTT!!!(bitin)(tsskk)

Pagkatapos mag act sa singing at dancing naman (sawakas matatapos na)
Kumanta ako ng "When You Say Nothing at All". Pina sayaw ako ng Poker Face (wahhh mukha akong tanga doon!!!) at ang huli Interpretative Dance.

END

0 comments: